Dito sa Nagano Prefecture, nagsasagawa ng iba’t ibang pagsisikap at suporta upang protektahan ang buhay at pamumuhay ng lahat ng mga naninirahan dito mula sa epekto ng COVID-19.
Lunes hanggang Biyernes maliban sa unang Miyerkules at ikatlong Miyerkules ng buwan; bukas din sa unang Sabado at ikatlong Sabado ng buwan
10:00~18:00
Suportado ang 15 wika
Chinese, Portuguese, Tagalog, Korean, Vietnamese, Thai, English, Indonesian, Spanish, Nepali, Malaysian, Burmese, French, Khmer, German
Mayroong iba’t ibang suporta para sa mga negosyanteng nahihirapan sa pamamalakad ng kanilang negosyo dahil sa epekto ng COVID-19.
Lunes hanggang Biyernes maliban sa unang Miyerkules at ikatlong Miyerkules ng buwan; bukas din sa unang Sabado at ikatlong Sabado ng buwan
10:00~18:00
Suportado ang 15 wika
Chinese, Portuguese, Tagalog, Korean, Vietnamese, Thai, English, Indonesian, Spanish, Nepali, Malaysian, Burmese, French, Khmer, German
Tumatanggap kami ng konsulta tungkol sa mga sintomas tulad ng lagnat, bigat ng pakiramdam atbp., kalusugan at pag-iiwas sa impeksyon, at kung gusto ninyong magpa-test.
*Magpapadala ng ticket para sa pagpapabakuna sa address na nakarehistro sa inyong resident card. Huwag itong itapon.
Gustong malaman ang tungkol sa side-effect ng bakuna.
Suportado ang 20 wika
English , Chinese, Korean, German, French, Italian, Russian, Spanish, Portuguese, Thai, Indonesian, Vietnamese, Nepali, Tagalog, Malaysian, Burmese, Khmer, Mongolian, Sinhalese, Hindi
Lunes hanggang Biyernes maliban sa unang Miyerkules at ikatlong Miyerkules ng buwan; bukas din sa unang Sabado at ikatlong Sabado ng buwan
10:00~18:00
Suportado ang 15 wika
Chinese, Portuguese, Tagalog, Korean, Vietnamese, Thai, English, Indonesian, Spanish, Nepali, Malaysian, Burmese, French, Khmer, German
Mahahawa kapag pumasok sa mata, ilong, at bibig ang mga maliliit na patak na tumatalsik kapag umubo, nabahing, o nagsalita nang walang suot na mask sa loob ng 2m na distansya.
Mahahawa kapag nahawakan ng kamay na may bahid ng virus ang mata, ilong, at bibig.
Lagyan ng sabon, ilapat ang mga palad ng kamay, at hugasan nang mabuti
Kuskusin ang likod ng kamay na parang inuunat ito
Maiging kuskusin ang dulo ng mga daliri at ilalim ng kuko
Hugasan ang pagitan ng mga daliri
Hugasan habang pinipilipit ang hinlalaki at palad
Hugasan ang dalawang pulso
Mataas ang panganib na magkaroon ng cluster (grupo) ng impeksyon sa mga lugar kung saan nagsasama-sama ang 3C’s.
Buksan ang mga bintana at pintuan, at dalasan ang bentilasyon (kabilang kapag nakabukas ang aircon).
Iwasan ang ehersisyo kung matao, kahit na gagawin ito sa labas (puwede ang paglalakad o jogging kung kaunti lang ang tao).
Lumayo rin kahit na nasa restawran.
Iwasang kumain na kasama ang maraming tao.
Lumayo ng isang upuan sa katabi, at umupo nang pahilis sa katapat.
Mag-ingat sa pakikipag-usap habang nasa loob ng tren, elevator, atbp.
Ang mga katangian ng COVID-19 ay:
“Maaaring walang nahahalatang sintomas kahit na naimpeksyon”
“May posibilidad na mahawa ang ibang tao mula 2 araw bago lumitaw ang sintomas (kondisyon na walang sintomas)”
Unawain ang mga ito, at laging mag-ingat upang maisagawa ang nararapat na aksyon.
Bukod dito, alamin agad ang pagbabago sa kalusugan sa pamamagitan ng araw-araw na pagsukat ng temperatura ng katawan, at gawin ang nararapat na hakbang.
Gamit ang contact tracing application na ito, maaaring makatanggap ng mga notipikasyon tungkol sa posibilidad na nagkaroon ng contact sa taong nag-positibo sa COVID-19. Sa pamamagitan nito, maaaring agad makakuha ng suporta mula sa health center, pagpapa-test, atbp. Kapag dumami ang mga gumagamit nito, inaasahang makakatulong ito upang mapigilan ang paglaganap ng impeksyon.
Para sa mga taong may sintomas ng lagnat atbp., una sa lahat, kumonsulta sa telepono sa malapit na institusyong medikal sa iyong rehiyon tulad ng iyong doktor. Kapag nag-aalinlangan kung saang institusyong medikal magpapakonsulta, mangyaring kumonsulta sa diagnostic/consultation center (health center) na nasa hurisdiksyon ng iyong tinitirahang munisipalidad. Sa paano man, kapag naaakma sa iyo ang isa sa mga nakasulat sa ibaba, mangyaring kumonsulta kaagad!
Kapag mayroong isa sa mga sumusunod na sintomas: hinihingal (hirap sa paghinga), mabigat ang katawan (pagod ang pakiramdam), mataas na lagnat.
Para sa mga taong madaling lumala ang sakit*, kapag nagkaroon ng di gaanong mabigat na sintomas tulad ng lagnat, ubo, atbp.
*Mga taong may kronikong karamdaman tulad ng matatanda, may diabetes, sakit sa puso, sakit sa baga (COPD atbp.)
Kung hindi ka kabilang sa mga nakasulat sa itaas, at nagpatuloy ang di gaanong mabigat na sintomas tulad ng lagnat at ubo, o tumagal nang higit sa 4 na araw, siguraduhing magpakonsulta.
Dahil may mga indibidwal na pagkakaiba sa mga sintomas, mangyaring magpakonsulta kapag naisip mong matindi ang iyong sintomas. Kabilang dito ang mga taong kailangang patuloy na uminom ng pampababa ng lagnat.
Para sa mga taong hindi naaangkop ang mga sintomas sa taas at halos walang sintomas, mangyaring magpakonsulta kapag naaakma ang mga sumusond.
◎ Kung buntis
◎ Kapag may posibilidad na nagkaroon ng malapitang contact sa taong may COVID-19 (kabilang kapag nakatanggap ng notipikasyon sa contact tracing application)
◎ Kapag naglagi ka o ng iyong pamilya sa rehiyon kung saan laganap ang impeksyon sa loob ng 2 linggo
◎ Kapag nawalan ng pang-amoy at panlasa
Mangyaring ganap na sundin ang mga hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng impeksyon ayon sa mga basikong ideyang ipinakita sa “Pagpupulong mga Eksperto ukol sa mga Hakbang Laban sa COVID-19” ng gobyerno, mga guideline na nilikha ng bawat industriya at kumpanya, atbp.
Upang maging panatag ang loob ng mga mamamayan sa pagtangkilik ng mga establisyimento tulad ng mga kainan at iba pang mga serbisyo sa buong prefecture, ang isang establisyimento ay ginagawaran ng pamahalaan ng “Ligtas na Restawran ng Nagano Prefecture” bilang pagkilala sa mahigpit na pagpapatupad nito sa mga hakbang laban sa pagkalat ng impeksyon. Mangyaring gamitin ito bilang gabay sa pagpili ng establisyimentong nais tangkilikin.
Dito sa Nagano Prefecture, ipinapasulong ang “Deklarasyon sa Pagtaguyod ng mga Hakbang Laban sa COVID-19” sa mga kumpanya sa hangaring palaguin ang ekonomiya ng rehiyon sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga lugar na kampanteng mapupuntahan ng maraming tao, at pagpapababa ng panganib ng paglikha ng cluster sa tulong ng mga pagsisikap ng bawat tindahan at pasilidad.
Nagpapadala kami ng mga impormasyong makakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay sa mga dayuhang nakatira sa Nagano Prefecture.Ipapaalam din ang mga emergency na impormasyon sa email (kapag naka-rehistro).